PROJECT BILANG
(Basic Introduction on Learning Arithmetic
to Non-Numerates among Grades 1 to 3 Pupils)
PAULO G. ISABELO
ICT/Math Coordinator
PROJECT BILANG
(Basic Introduction on Learning Arithmetic
to Non-Numerates among Grades 1 to 3 Pupils)
PAULO G. ISABELO
ICT/Math Coordinator
PROJECT BILANG
(Basic Introduction on Learning Arithmetic
to Non-Numerates among Grades 1 to 3 Pupils)
PAULO G. ISABELO
ICT/Math Coordinator

School ID: 108220


Lubos ang pasasalamat ng Ganado Elementary School sa pamunuan ng Print Town Group of Companies at kay Brgy. Ganado Sangguniang Kabataan Chairman Christian C. Natividad (Natividad C Natividad) sa walang sawang pagsuporta at pag-aabot ng kanilang tulong sa ating paaralan.
Maraming salamat po! Makatutulong ang inyong donasyon sa kasalukuyang implementasyon ng limitadong harapang pagkaklase (limited face-to-face classes) ng paaralan.
Sa mga nais magpaabot ng kanilang mga donasyon, maari kayong magpadala ng inyong mensahe dito sa official Facebook page ng paaralan. Kahit anong uri ng donasyon ay malugod namin tatanggapin. Lahat ng ito ay #ParaSaBata at #ParaSaBayan
at sa pag #SulongEduKalidad.

TIGNAN: Nitong nakaraang Lunes, Marso 28, 2022, bumisita sina Kap. Paulino G. Mercado, SK Chairman Christian C. Natividad kasama ang ibang mga opisyal ng Sangguniang Barangay ng Ganado upang tignan ang kalagayan at kumustahin ang mga mag-aaral na kasali sa implementasyon ng limitadong harapang pagkaklase (limited face-to-face classes).
Bukod sa pagbisita at pangungumusta, nagbigay din sila ng bag sa mga mag-aaral sa una, ikalawa, at ikatlong baitang. Mahigit 80 na mag-aaral ang umuwing may ngiti sa kanilang labi dahil sa natanggap na mga bag.
Lubos ang pasasalamat ng pamunuan ng paaralan sa pangunguna ni Sir Greg P. Jaque, sa pamunuan ng Sangguniang Barangay ng Gando sa pangunguna ni Kapitan Paulino G. Mercado at ni SK Chairman Christian C. Natividad.

TIGNAN: Nitong nakaraan Biyernes, Marso 25, 2022, nakiisa ang Ganado Elementary School sa paglungsad ng "EARLY REGISTRATION FOR SY. 2022-2023". Ang "early registration" ay mag-uumpisa ng Marso 25, hanggang Abril 30, 2022. Layunin ng nito na mapaghandaan ang paparating na school year. Target din ng DepEd na mahikayat ang mga out-of-school youth na bumalik sa pag-aaral.
Bilang pakiisa sa paglulungsad, nag-ikot ang ilang mga guro kasama ang mga opisyal ng GPTA at Barangay Police sa buong Barangay Ganado para ipabatid ang "Early Registration".
Kung may katanungan tungkol sa "Early Registration", maaring magpadala ng mensahe sa official Facebook page ng paaralan na DepEd Tayo Ganado ES - Binan City o magsadya sa "Early Registration Desk" sa paaralan.
CONGRATULATIONS JAIROE E. PEÑAOJAS for winning FIRST PLACE in Tessellation Making Contest held during the 2022 Virtual Division Math Festival. Congratulations also to his coach Sir Paulo G. Isabelo, and adviser Ma'am Divine Sarah D. Zorilla.
Your GANADO ES Family is so proud of you





